Friday, March 16, 2012
ANTI- TABLOID NEWS REPORT
ANTI- TABLOID NEWS REPORT
ANTI-PORNOGRAPHY UG DILI ANTI-TABLOID ANG ANGAYAN NGA IPASAR NGA ORDINANSA.
MAO KINI ANG GISUGYOT SA PIPILA SA MGA NISALMOT SA PANAGTIGUM KABAHIN SA ANTI-TABLOID ORDINANCE NGA GIPANGULUHAN SA KAPISANAN NG MGA BRODKASTER NG PILIPINAS KON KBP NIADTONG SEPTEMBRE BAYNTE-TRES SA MARCELO FERNAN PRESS CENTER DIDTO SA SUDLON, LAHUG.
KINI KAY MATUD PA DAGHANG MGA NAGKUYAT-AG NGA PORNOGRAPIYA SA BISAN ASA NAGLAKIP NA NIINI ANG MGA MAGAZINES, POSTERS UG GANI ANG INTERNET.
SI DR. NONA SUERTE, ANG DEAN SA COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES SA CIT-UNIVERSITY NAGKANAYON NGA DILI PATAS ANG ANTI-TABLOID ORDINANCE TUNGOD KAY HALAPAD ANG PULONG NGA TABLOID UG GANI GAMIT MATUD PA ANG TABLOID ISIP TAMDANAN SA PAGTUDLO OG CEBUANO JOURNALISM NGADTO SA MGA TINUN-AN.
ANG ANTI-TABLOID ORDINANCE USA KA ORDINANSA NGA NAGMANDO NGA IPA-BAN ANG MGA PAMANTALAAN NGA GIDUSO NI CEBU PROVINCE VICE GOVERNOR AGNES MAGPALE.
CHRISTIANNE ORBISO, DEVCOM BALITA!
PAL NEWS REPORT
MAKABANGON NA PAGBALIK ANG PHILIPPINE AIRLINES KON PAL SA KRISIS NGA GIATUBANG NIINI TUNGOD SA PAGSULOD SA MGA OUTSOURCING PROVIDERS SUGOD KAGAHAPUN.
KINI ANG PAGTUO SA PRESIDENTE SA CEBU CHAMBER OF COMMERCE AND INDUSTRY KON CCCI NGA SI CONSUL SAMUEL CHIOSON.
KINI HUMAN SA NAHITABONG PAGWELGA SA MGA GROUND CREW NIADTONG MARTES ISIP PAGSUPAK SA OUTSOURCING NGA GIPATUMAN SA MANAGEMENT HINUNGDAN NGA DAGHANG NAKANSELAR NGA MGA FLIGHTS.
DUGANG PA NI CHIOSON NGA DAKUNG KADAUT ANG NAMUGNA SA PAGWELGA SA MGA EMPLEYADO DILI LANG SA KOMPANYA KUN DILI LAKIP NA ANG MGA NEGOSYANTE INGUN MAN SA MGA TURISTA.
SI CHIOSON MIHANGYO SA MGA NAGWELGANG TRABAHANTE NGA DILI BABAGAN ANG MGA PASAHERO UG UBANG MGA EMPLEYADO NGA MUSULOD SA TUGPAHANAN GUMIKAN KAY ANAA NA SA KORTE ANG KASO UG MI-AWHAG NGA TAHURON ANG BISAN UNSA MAN ANG MAMAHIMUNG DESISYON SA MALACAñANG UG SA HUKMANAN.
MALAUMON SI CHIOSON NGA MUBALIK NA SA NORMAL NGA OPERASYON ANG PAL SA MGA MUSUNOD NGA ADLAW.
CHRISTIANNE ORBISO, DEVCOM BALITA!
MAGAZINE2
www.yoamorvos.blogspot.com
Handa ka na ba ?
Tuklasin ang takbo ng buhay mo at sari-saring mga pangyayari saupang magkaroon ng tamang direksyon sa paglalakbay patungo sa magandang buhay.
Ang VOS ay para sa’yo!
VOS
3 Pasimila ng Lahat
3 Kahirapan
4 Sampung Bagay sa Pag- unlad
5 Buhay Kong Nasawi
KATUWAAN:
SHOWBUZZ Mensahe ng Editor
FASH-YON
SINESCOOP PLUS: ANG PARAISO
KAPALARAN
TOPICS:
Buhay Kong Nabigo
Isang Mensahe Mula sa Langit
Top 5 Sexy at Hot!
Kanta
Pasyal Pagmamahal
Totoong Kwento
Techie
MENSAHE NG EDITOR
Isa itong karangalan para sa akin na makapagbuo at makapagsulat ng iba’t ibang kwento o artikulo sa magasin na ito. Napakasarap ng pakiramdam na nakamit ko ang paggawa ng isang magasin. Minsan, naiisip ko na hindi ko kayang gumawa ng sariling magasin pero ito pala ang nagiging daan ko upang mas mapabuti at matuto ng mga bagong bagay lalong lalo na sa pagsulat. Dahil dito, naipapahayag ko ang aking mga nadarama, binahagi ang gusto na maaaring mapagkunan ng ideya at matutunan ng mga mambabasa.
Ito ang nagbigay papuri sa akin upang patuloy na magsulat dahil natuklasan ko ang masaya at magandang mundo ng jornalismo. Dapat, hindi tayo magsawa sa pagsulat dahil dito natin maibigay ang mga gusto nating ipahayag na hindi natin kayang ipakita sa pamamagitan ng pagsasalita. Para sa akin, isa itong kakaibang karanasan na nagawa ko sa buong buhay ko dahil ito ang unang magasin na nagawa ko at talagang ginugol ko ang lahat upang ito ay magiging posible.
Bilang isang manunulat, napakalaki ng responsibilidad na kailangan mong akuin sapagkat kailangang mayroon kang kredibilidad, dapat pawang katotohanan lamang ang dapat isulat sa mga sensitibong isyu at dapat gawin at ialay mo ang lahat upang maging epektibo ang kinalalabasan nito.
Gusto ko pong iabut ang napakalaki kong pasasalamat sa inyo dahil kayo ang nagiging inspirasyon ko sa pagkamit nito.
TECHIE
Maraming mga makabagong teknolohiya ang sumisibol ngayon sa bagong henerasyon. Ito ang pinagbigyan ng pansin dahil mas epektibo at mas mapadali ang ating mga gawain.Kagaya na lamang ng:
• Computer
• Ipad
• Cellphone
• Digital Cameras
• Flat Screen TV
• Laptop
______________________________________________________
The largest and fastest growing network in the Philippines
ANG PAGSIMULA NG LAHAT
Ang Salita ng Buhay. Sa pasimula pa’y naroon na ang salita. Kasama ng Diyos ang Salita at ang Salita ay Diyos. Kasama na siya ng Diyos sa pasimula pa. Sa pamamagitan niya nilikha ang lahat ng bagay at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya. Mula sa kanya ang buhay at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan. Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw at hindi ito kailanman nagapi ng kadiliman. Nasa sanlibutan ang Salita. Nilikha ang sanlibutan sa pamamagitan niya ngunit hindi siya nakilala ng sanlibutan. Naparito siya sa kanyang bayan ngunit hindi siya tinanggap ng kanyang mga kababayan. Ngunit ang lahat ng tumanggap at nanalig sa kanya ay pinagkaloob niya ng karapatang maging anak ng Diyos. Sila nga’y naging anak ng Diyos, hindi dahil sa isinilang sila ayon sa kalikasan, ni sa pita ng laman o sa kagagawan ng tao. Ang pagiging anak nila ay buhat sa Diyos. Naging tao ang Salita at siya’y nanirahan sa piling natin.
Nakita naming ang kanyang kapangyarihan at kadakilaan, puspos ng pag-ibig, tayong lahat ay tumanggap mula sa kanya ng abut-abot na kaloob. Ang pag-ibig at ang katotohanan ay dumating sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Kailanma’y walang nakakita sa Diyos, subalit ipinakilala siya ng bugtong na Anak- siya’y Diyos- na lubos na minamahal ng Ama.
KAHIRAPAN
Nagtitinda, natutulog sa tabi-tabi, nakatira sa may ilog, sira-sirang bahay ang karaniwang makikita natin na nagbibigay mukha sa kahirapan basta’t mabuhay lamang. Ito ang mapait na realidad na nararanasan sa ilan ng mga mamamayang Pilipino. Dahil sa tindi ng kahirapan, napipilitang gawin ang lahat upang bumangon sa mapait na estado ng buhay.
10 BAGAY TUNGO SA PAG-UNLAD
10. Gawin ang magandang mga pagpipilian o chansa kahit na napakahirap itong abutin.
9. Manatiling maging mapagbigay sa kapwa.
8. Pag-igihan pang gawin ang gusto mo na sa tingin mo ay nararapat talaga para sa iyo.
7. Wag mawalan ng pag-asa kapag nabigo. Magsimulang muli!
6. Piliin mo ang kaibigan na may magandang impluwensiya.
5. Mahalin mo ang iyong kaaway o yung tao na nagkamali sa’yo.
4. Pagiging masaya sa piling ng iba.
3. Maniwala na ang Diyos ay nagmamahal sa’yo na walang kapalit.
2. Magdasal palagi!
1. Alamin mo ang rason ng Diyos sa ibinigay niyang buhay sa’yo. Mayroon siyang magandang plano para sa’yo.
Pag-ibig na Walang Hanggan
“Narinig na ninyong sinabi, ‘Ibigin mo ang iyong kaibigan at kapootan mo ang inyong mga kaaway at idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo, upang kayo’y maging tunay na anak ng inyong Amang nasa langit. Sapagkat pinasikat niya ang araw sa masasama at sa mabubuti at pinapatak niya ang ulan sa mga banal at sa mga makasalanan.
“Huwag ninyong hatulan ang inyong kapwa. Kung ang mga umiibig sa inyo ang siya lamang ninyong iibigin, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? At kung ang binabati lamang ninyo’y ang inyong mga kapatid, anong nagawa ninyong higit pa sa iba? Kaya, dapat kayong maging ganap, gaya ng inyong Amang nasa langit.“
ANG PARAISO
Ang kalibutan kaniadto
Sama sa usa ka Paraiso
Puno sa paglaum ug kalipay
Diin kita managpuyo sa kaligdong ug kahapsay.
Mainom nga tubig gikan sa sapa
Tambok ug limpyo nga yuta
Abundang mga kahoy sa kabukiran
Nga igong katamnan sa atung umahan.
Apan naunsa na ang kalibutan karun?
Kinahanglan ka pa bang pasabton?
Basura dinhi, basura didto imung matan-aw
Ug ang Paraiso daw padulong na sa pagkapanaw.
.
Sa simpleng pag-recycle ug paglimita
Sa dili pagpataka og labay sa basura
Ato na makab-ot pagbalik ang kaniadto
Diin kitang tanan, gustong managpuyo sa maong Paraiso.
LIHAM
TOTOONG KWENTO NI JONABELLE T. LORETO
Bawat tao ay may kanya-kanyang sandalan upang mapawi ang bigat ng problemang pinapasan. Ang iba ay sa mga bisyo, sugal at karera. Ngunit para sa akin, ang kagandahan at kahalagahan ng kalikasan ang nagdudulot sa akin ng panandaliang kapayapaan. At iyon ay ang pagpalipas-oras sa baybayin na nag-iisa.
Nag-aaral pa ako noon sa ikalawanh taon sa hayskul sa Felisberto Verano National High School sa lungsod ng Cortes, Surigao del Sur. Bias akong estranghera sa pook na iyon maliban sa katotohanang pinapaaral akon ng akung Auntie at kahit na malayo bsa pamilya ko, tinitiis ko ang hapdi ng puso ko.
Ang bahay ng Auntie ko ay malapit sa dagat. Ang ibang kaklase ko ay mahilig manliit ng mga mag-aaral lalo na kung sa antas ng pamumuhay ang pag-uusapan. Kung kaya wala akong maraming kaibigan. Buwan ng Enero nang makatanggap ako ng balita mula sa amin na ang ina ay na ospital dahil pinagbuhatan nh kamay ng aking ama. Umiyak ako at gusto nang umuwi sa aming probinsya. Pero pinigilan ako ni Auntie kasi sayang daw kung hindi ako makapagtapos. Ang hirap at gasto niya ay mababalewala lang. makalipas ang dalawang araw, nakatanggap ako ng liham mula sa kapatid ko sa Manila na nagtatrabaho sa isang pabrika. Sinabi nya na nagkasakit siya at kailangan niya ng dagdag na pera pambayad sa ospital. Wala akong magawa para masolusyonan ang mga problemang ito. Gulong-gulo ang puso’t isipan ko. Wala akong ganang pumasok sa klase.
Kaya napagpasyahan kong pumunta ng dagat at doon ginugol ko ng buong maghapon sa pagmasid sa lawak ng baybayin. Ang simoy ng malamig na hangin at ang hampas ng alon ang tanging naramdaman ko sa mga oras na iyon. Tahimik ang paligid at mapayapa. Biglang nawala ang poot na nararamdaman ko at nakapag-isip ako ng mabuti. Dahil doon, Masaya akong umuwi ng bahay at may isang kaisipan akong nabuo. Na ang mga problema ay may kanya-kanyang solusyon na matutugunan lamang sa takdang panahon. Hindi dapat ito madaliin. Samakatuwid, ito ay ipinagdasal sa Poong Maykapal.
BUHAY KONG NASAWI
Hay naku! Ang pag-ibig nga nama’y sadyang napakasarap at npakasakit. Minsan ika’y masaya, minsan nama’y ika’y naluluha. Ang taas-taas na nga aking paglalakbay at ako’y narito, Masaya kahit sa mapait na nakaraan, kontento at napakaswerte.
Ako’y isang Boholano. Isang simpleng tao na mahirap at nagpupursige. Minsan noon sa buhay ko, may nakilala akong isang babaeng minahal ko nang lubusan. Ito kasing kaibigan ko ang nagtulak sa’kin sa pader ng pagmamahal. Si Maila, ang nagpapatibok ng puso ko kahit kami ay magtextmate lamang. Hindi ko pa siya nakikita ng personal pero ewan ko sa sarili naming bakit nagmahalan kami. Siguro, bulag talaga ang pag-ibig. Kahit ‘di mo pa nakikita, tumibok na ang puso mo na hindi man lang nagpaalam.
Sabik na sabik kami na Makita ang isa’t isa. Isa kasi siyang Cebuana kaya’t mahirap para sa amin na magkita agad dahil rin sa kakulangan ko sa pera. Dalawang taon na kaming nagmamahalan at hindi talaga nawala ang komunikasyon naming. Kaya’t sa edad ko na 17, nagpasya akong pumunta sa Cebu upang makita siya at makikipagsapalaran din ng trabaho sa Cebu. Nagpaalam ako sa aking mga magulang. Ang ama ko naming napakahigpit, hindi sumang-ayon sa desisyon ko. Wala akong magawa kundi sundin siya.
Kinwento k okay Maila a ng pangyayaring iyon at sa takdang panahon, magkikita rin kami. Todo kayud nalang ako sa Bohol kahit pa extra-extra lang. Minsan, tutulong din ako sa aking ama sa konstruksyon at sa aking mga kaibigan na at kapitbahay sa pagtanim ng bigas. Kahit papaano naman, nagkakapera din ako.
Isang taon ang nakalipas, ngayo’y nasa saktong edad na ako ay nagdesisyon na naman ako na pumunta sa Cebu. Pero panay pa rin ang higpit ng ama ko. Kahit 18 na ako, hindi pa rin nya pinaunlakan ang kagustuhan ko. Kaya’t nagawa kong magrebelde. Umalis ako sa bahay naming ng hindi nila alam. Naglayas ako. Isinasakripisyo ko ang buong buhay at pamilya ko, makamit lang ang kagustuhan kong makita ang minamahal kong si Maila.
Nang dumating ako sa Cebu, nagkita agad kami ni Maila sa isang pasyalan. Hindi ko inakalang ganun kaganda at kaelegante ang babaeng mahal ko. At siya pala ay laki sa karangyaan. ‘Di nya ito naikwento dahil hindi siya yung tipong social na tao. Sa puntong iyon, nakahanap ako agad ng trabaho sa Cebu na nagging paraan ko upang mkapag-aral. Nagtatrabaho ako sa umaga at sa gabi naman ay nag-aaral ako. Todo kayod ako, maipakita ko lang kay Maila na kaya kong panindigan ang buhay ko at kayak o siyang buhayin sa hinaharap. (IPAGPATULOY SA PAHINA 7)
ISANG MENSAHE MULA SA LANGIT
Walong araw pagkatapos sabihin ito, umakyat si Jesus sa bundok upang manalangin. Isinama niya sina Pedro, Juan at Santiago. Samantalang sila’y naroon, nakita nilang nagbagong-anyo si Jesus : nagliwanag na parang busilak ang kanyang damit.
Nang lilimansila nang isang maningning na ulap at mula rito’y may tinig na nagsabi, ‘‘Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan. Pakinggan ninyo siya ! ‘’
Ang mga alagad ay natakot nang gayon na lamang nang marinig nila ang tinig at sila’y napasubasob. Ngunit nilapitan sila ni Jesus at hinipo. ‘’Tumindig kayo,’’ sabi niya, ‘’huwag kayong matakot’’.
ILANG TIPS BAGO NAGPAKASAL!
a.Manatiling nasa tahimik at magsaya kasama ang pamilya.
b.Gawing unang prayoridad ang Diyos higit sa lahat.
c.Dapat mayroon kang klarong daan patungo sa tagumpay.
d.Kung tumibok ang puso mo, gamitin ang utak hindi lamang ang puso.
e.Humingi ng patnubay at gabay sa iyong pamilya, kaibigan at mga lider na pang- ispiritwal.
f.Ipreserba ang pakikipagtatalik. Gawin ito pagkatapos ng kasal.
TV NETWORK SURVEY
Anong major TV Network ang pinapanigan mo? ABS-CBN? GMA? TV5? Ano ang nagustuhan mo sa TV Netwok na ito?
• Ruel Esco BS MarE 1-3
ABS-CBN. Nandun ang aking mga paborito na mga programa lalong lalo na ang It’s Showtime.
• Oliver Quines BS MarE 1-3
GMA. Marami silang mga palabas. Gusto ko ay Party Pilipinas.
• Jason Capait BSIT Machine Shop 3-G
ABS-CBN. Hindi marami ang patalastas. Mas priority nila ang mga palabas kaysa patalastas.
• Raboni Gingoyon BSCE 3-D
TV5. Kasi gusto ko ang Sineplex nila sa gabi. Minsan naman, manonood din ako ng Balitang Bisdak sa GMA.
• Juancho Rizanor Alcantara BSCE 3-D
TV5. Gusto ko ang mga foreign na mga palabas nila gaya ng Super Sine Singko sa umaga at Sineplex sa gabi. Manood din ako minsan ng balita sa ABS-CBN, yung TV Patrol Central Visayas..
• Jievah Cris Cantiveros BS DevCom 2-A
ABS-CBN. Lahat ng mga palabas nila ay gusto ko kasi mayroon talagang kalidad ang mga ito at nakakarelate talaga ako lalo na kung love story.
…karugtong sa Buhay Kong Nasawi
Nagdaan ang mga taon, yung attendant ng internet café ko ay nagiging kasintahan ko. Masaya kaming nagsama ngayon sa piling na aming tatlong anak. Patuloy pa rin ang komunikasyon namin ni Maila. Masaya rin siya sa kanyang Canadian na asawa at mga anak. Gusto niya along tulungan sa pagbaba ng parusa upang makatrabaho muli sa mataas na posisyon. Pero sabi ko sa kanya na Masaya na ako at kontento sa buhay ko.
Dahil medyo na bo-bored ako sa internet café, bumili ako ng dyip at ngayon, isa na akong jeepney driver. Masaya na ako sa buhay ko ngayon dahil alam ko na nakabangon na ako mula sa mapait na nakaraan na pinagdaanan ko. Kahit di ko na makamit muli ang buhay na gusto ko, alam kong may plano ang Diyos bakit naging ganito ang takbo ng buhay ko. Tinulungan niya akong bumangon. Minahal ako ng tao sa panahon na kailangan ko ng karamay. Tinanggap ako ng pamilya ko sa panahon na gusto ko ng sumuko. At binigyan ako ng Maykapal ng bagong pag-asa upang harapin muli ang pangalawang yugto ng buhay ko sa kabila ng lungkot at masakit kong nakaraan. WAKAS.
MUSIKA
Mayro’n akong nais malaman
Maaari bang magtanong?
Alam mo bang matagal na kitang iniibig?
Matagal na akong naghihintay
Ngunit mayro’n kang ibang minamahal
Kung kaya’t ako’y di mo pinapansin
Ngunit ganon pa man nais kong malaman mo
Ang puso kong ito’y para lang sa ‘yo
Chorus: Nandito ako umiibig sa iyo
Kahit na nagdurugo ang puso
Kung sakaling iwanan ka niya
Huwag kang mag-alala
May nagmamahal sa iyo,
Nandito ako
Kung ako ay iyong iibigin
Aykailangan ng mangamba
Pagkat ako ay para mong alipin
Sa iyo lang wala ng iba
Ngunit mayro’n ka ng ibang minamahal
Kung kaya’t ako’y di o pinapansin
Ngunit ganon pa man nais kong malaman mo
Ang puso kong ito’y para lang sa ‘yo
Kantahing muli ang Chorus ng dalawang beses
Nandito ako…
ITO ANG TOTOO!
Ano ba ang totoo? Saan nanggaling at paano malulunasan ang sakit na HIV/AIDS?
• Hindi ka makakakuha ng HIV/AIDS sa pamamagitan ng paggamit sa baso ng mayroong HIV/AIDS.
• Ang pagyayakap ng taong positibo ng HIV?AIDS ay hindi nakakahawa.
• Hindi malulunasan at mawala ang HIV/AIDS kung makikipagtalik ka sa taong negatibo nito.
• Makukuha ang HIV/AIDS kung nakikipagtalik ka sa taong positibo nito.
• May HIV/AIDS ka kung ikaw ay anak ng nagpositibo nito.
• Magkakaroon ka nito kapag ika’y dumaan sa blood transfusion at ang dugong ibinigay ay positibo.
• Makukuha ang HIV/AIDS kapag ika’y nakikipagsalo ng karayom para mag-inject ng druga sa taong nagpositibo nito.
Paano ba ito malulunasan at maiiwasan?
Una, iwasan ang pakikipagtalik lalo na’t hindi ka pa kasal dahil ito ay dapat protektahan at ipreserba. Pangalawa, kung ikaw ay nahahawa sa ganitong sakit, magdasal ka dahin nandyan ang Diyos na handing tumulong sa’yo at patnubayan ka. Kung iaalay mo ang lahat sa kanya, malalaman mong walang mahirap na sitwasyon.
...karugtong sa Buhay Kong Nasawi…
Pagkatapos sa apat na taon, nakatapos rin ako sa kursong BSIT sa isang pribadong paaralan sa Cebu. Nakahanap ako ng magandang trabaho. Naging supervisor sa isang respetadong kompanya. Si Maila naman ay isang manager sa napakasikat na hotel sa Cebu. Sa kabila ng aking nakamit, hindi pa I to nalalaman ng aking mga magulang. Natatakot kasi ako na baka hindi na nila ako tatanggapin. Pinili ko munang manahimik at uuwi nalang ako sa Bohol kapag ikinasal na kami ni Maila.
Sadyang nagging busy kami ni Maila sa trabaho. Pero hindi pa rin naapektuhan ang aming pagmamahalan kahit minsan nalang kami nagkikita at nagco-communicate.
Dumating ang araw na niyaya ko siyang magpakasal. Napakasaya ko dahil tinanggap ni Maila ang alok ko. Engaged kami nagpasya kami na sa susunod na taon na kami magpakasal upang mayroon kaming sapat na panahon na planuhin at paghandaan ang lahat. (IPAGPATULOY SA PAHINA 19)
Ang Pinakadakilang Utos ng Diyos
May eskribang lumapit kay Jesus upang siya’y subukin. ‘’Guro’’, aniya, ‘’ano ang dapat kong gawin upang magkamit ng buhay na wlanh hanggan ?’’ Sumagot si Jesus, ‘’Ano ang nakasulat sa Kautusan ? Ano ang nababasa mo roon ?’’ Tumugon siya, ‘’Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang boung kaluluwa, at nang buong pag-iisip at ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.’’ ‘’Tama ang sagot mo,’’ wika ni Jesus. ‘’Gawin mo iyan at mabubuhay ka. Wala ng ibang utos na hihigit pa sa mga ito.’’
ANO ANG TOTOONG PAGMAMAHAL? (PASULIT)
1. May nakita kang mag-asawa na sweet na sweet at naghahawakan sa kamay. Ang ginawa mo ay:
a. Namangha dahil nakita mong nagmamahalan talaga sila sa isa’t isa.
b. Nagtataka kung bakit nagkagustuhan ang dalawa kahit matanda at matamlay na sila.
c. Akala mong wala silang magawa at gusto lang nilang maglibang.
2. Para sa’yo ang kasal ay:
a. Imposible. Mabibigo rin naman.
b. Ang pinakatotoong indikasyon sa pagamamahalan.
c. Isang magandang ideya sa mag-aasawa pero hindi iniisip ang pangmatagalang pagtapatan.
PUNTOS
1. A-3 2. A-1
B-1 B-3
C-2 C-2
DESKRIPSYON:
7-9 puntos- Makakahanap ka na ng totoo at walang hanggang pagmamahal.
4-6 puntos- Di mo makamit sa ngayon ang tunay mong pagmamahal pero hindi pa huli ang lahat. Maaari ka pang magbagong direksyon.
10 UGALI NA GUSTO MO SA KAIBIGAN
10.__________________ 5.___________________
9.___________________ 4.___________________
8.___________________ 3.___________________
7.___________________ 2.___________________
6.___________________ 1.___________________
a. matapat
b. maraming pera
c. mabuting kausap
d. totoo
e. maganda/matipuno
f. kapareho ko ng ambisyon
g. popular
h. hindi tsismoso/tsismosa
i. magandang manumit
j. nag-eenjoy sa mga gusto ko na gawin
k. nakakatawa
l. matataguan ng sekreto
m. may inilaang oras para sa akin
n. handing tumulong sa akin
o. marunong rumespeto sa iba
p. mabuting tagapakinig
q. gumawa ng makakabuti sa kapwa
r. matalino
s. palaging alam ang mga nauuso
t. magpapahiram ng mga gamit nya
u. magbigay ng mabuting puna
v. pareho kami ng political view
w. pareho ang economic status namin
x. hindi ako pinapahiya sa harap ng ibang tao
y. hindi nagseselos
z. hindi ako pipigilan sa mga gusto kong gawin at sundin
KAPALARAN
Ang kapalaran ay katuwaan lamang. Hindi ka kailangang maniwala.
Aries (Marso 21- Abril 19) - Taurus (Abril 20- Mayo20)
Makakamit mo ang pinapangarap mo pero kailangan mo pang kumilos upang hindi ito mawala sa’yo. Wag kang magtiwala agad sa mga taong hindi mo kilala lalo na rin ang mga taong mas nakakilala sa’yo dahil isa sa kanila ay niloloko ka.
Gemini (Mayo 21- Hunyo 20) - Cancer (Hunyo 21- Hulyo 22)
Lalayo ang isa mong kaibigan pero may darating na magiging bagong kaibigan mo na magpapahulog sa loob mo. Iwasan muna na ibigin siya sa ngayon dahil ito ang makakasira sa hinaharap mo. Obserbahan at tiyakin muna ang buong pagkatao nya.
Leo (Hulyo 23- Agosto 22) - Virgo (Agosto 23- Setyembre 22)
‘Wag kang gumala ngayong gabi dahil may masamang mangyayari sa’yo pero makakaligtas ka naman nito. Mas tiyak at mabuti munang manatili ka sa iyong bahay. Isang malaking oportunidad ang babago sa takbo ng buhay mo pero ito’y tinanggihan mo dahil sa paniniwalang mas malaki ang pa ang oportunidad na pinili mo kaysa nito.
Libra (Setyembre 3- Oktubre22) - Scorpio (Oktubre 23- Nobyembre 21)
Mabibigo ka sa pag-ibig ngayon. Inakala mong siya na ang huli pero hindi pa pala dahil mas pinili niyang makapiling ang kaibigan mo kaysa sa’yo. Matitikaman mo ang pinakamasayang pangyayari na hindi mo pa nararanasan. Pero sadyang may puputol nito at tila wala kang magawa.
Sagittarius (Nobyembre 22- Disyembre 21) - Capricorn (Disyembre 22- Enero 19)
Ingatan mo ang mayroon ka dahil sa isang iglap lang, ito’y mawawala at hindi mo na muling makuha pa. Makipaghalubilo sa ibang tao at pasiyahin mo ang buhay mo. Patawarin mo ang nagkasala sa’yo dahil siya ang nagdadala ng swerte sa buhay mo. Huwag mong hayaang mawala siya sa’yo magpakailanman.
Aquarius (Enero 20- Pebrero 18) - Pisces (Pebrero 19- Marso 20)
Ipagpatuloy mo ang sa tingin mo’y tama at huwag munang magsaya ngayon dahil ito ay isang sumpa sa pagkahanap mo ng taong magmamahal sa iyo ng totoo. Manatiling simple sapagkat magbibigay ito ng daan sa’yo patungong tagumpay. Kumilos at harapin ang anumang darating sa buhay mo.
...karugtong sa Buhay Kong Nasawi…
Sa paglipas ng ilang buwan, parang nawala na si Maila sa buhay ko. Hindi na kami nagkikita at wala ng komunikasyon sa isa’t isa. Minsa’y nag iwan ako ng message sa kanya sa friendster at nag email pero wala siyang reply. Kahit tatawagan ko siya, hindi ko na siya makontak.
Isang lingo ang nakalipas, na surpresa ako dahil nag iwan ng mensahe si Maila sa email ko. Nagyaya siya na magkita kami personal dahil may importante raw kami na pag-uusapan.
Pinaunlakan ko siya at nagkita kami sa isang simbahan. Agad-agad niyang sinabi na sa susunod na araw pupunta na siya sa Canada dahil ito raw ang gusto ng kanyang ama. Tinanong ko siya kung bakit hindi nya ito sinabi sa akin. Nagdurugo ang puso ko sa pangyayaring iyon. Sinabi nya naman na kasali raw ako sa mga plano niya at kung bakit pupunta siya ng Canada. Pinayagan ko siya dahil pinagkakatiwalaan ko siya.
Nagdaan ang ilang mga araw, buwan at taon, hindi na nagparamdam si Maila sa akin. Sa kabila ng lahat, hindi ko siya pinalitan dahil alam ko sa sarili ko na mahal ko siya kaya malaki ang ibinuwis ko para lang sa kanya. Araw-araw akong umaasa na sana mag-iwan siya ng mensahe sa friendster at yahoomail. Hanggang sa isang araw, nakita ko sa friendster relationship status nya ay married na. Nag iwan pa siya ng mensahe n asana raw ako ang napakasalan niya pero wala siyang magawa dahil kontrolado siya sa ama niya. Hindi ko maipadarama ang nararamdaman ko sa mga sandaling iyon. Nawalam ako mg pag-asa, parang namatayan ako at gumuho ang mundo ko. Nagsisisi ako na minahal siya. Iniwan ko pa ang pamilya ko para sa kanya pero ito lang pala ang kalalabasan sa lahat ng mga sakripisyo ko. Hindi na ako maka focus sa trabaho ko. Lahat ng co-workers ko ay dumistansya na dahil sa hindi na nila maintindihan ang ugali ko. Kahit ang boss ko ay pinapagalitan ko na, sinigawan kahit sa simple at maliit na isyu lang. Pinagtaasan ng boses. Minumura at binigo. Nawalan ako ng trabaho, ibina-ban ako at hindi na ako tatanggapin sa alinmang kompanya dahil sa nagawa ko sa aking boss. Wala na akong magawa sa Cebu kaya umuwi nalang ako sa Bohol. Natatalot man ako pero nilakasan ko ang loob ko. Nagpapasalamat din naman ako dahil tinanggap pa rin ako ng pamilya ko. Wala akong trabaho sa Bohol pero buti nalang mayroon pa akong pera na natira sa banko.
Minabuti ko nalang na bumalik sa Cebu upang humingi ng tawad sa mga boss ko noon upang maibaba ang kaparusahan na pinataw nila sa akin upang makatrabaho muli sa kahit anong kompanya. Ganun pa man, pagpunta ko sa Cebu ay naibaba ang parusa pero nanatiling hindi na ako makatrabaho sa matataas na posisyon. Kaya’t, nagdesisyon nalang ako na magpatayo ng internet café.
TOTOONG KAIBIGAN O HINDI?
1-HINDI AKO GANITO 3-GANITO TALAGA AKO
2-GANITO AKO MINSAN
1. Kung may magandang mangyari sa aking kaibigan, naging masaya ako para sa kanya ng walang halong pagseselos.
2. Kung may problema ang kaibigan ko, gagawin ko ang lahat kahit ano pa ang mangyari basta’t matulungan ko lang siya.
3. Madali lang sa akin ang pagpapatawad sa isang tao na nagkakasala sa’kin at makikipag-ibigang muli.
4. Kapag ang kaibigan ko ay nasa kapahamakan, lalapit sila sa akinupang humingi ng tulong at payo o isasalaysay ang nangyari sa kanya.
5. Ang aking pananalita at kilos ay nakakatulong sa mga kaibigan ko upang mailayo sila sa mga gawaing hindi kaaya-aya.
6. Kung ang kaibigan ko ay may ginawang nakakahiya, natatawa ako hindi ko itong gawing hindi kanais-nais para sa kanya at sa ibang tao.
7. Hindi ako namimili ng kaibigan sa pisikal na anyo man o sa kanyang estado ng buhay.
8. Hindi ako nagsasalita ng mga masasamang salita sa aking mga kaibigan lalo na sa kanilang likuran.
9. Mapagkakatiwalaan ako. Kung ang kaibigan ko ay may sinabing sekreto, mananatili itong sekreto at hindi ko ito ipagsasabi sa iba.
10. Ang pagkakaibigan para sa akin ay hindi lamang tungkol sa aking makukuha na kasiyahan kundi alam ko na may responsibilidad din ako sa kanila.
DESKRIPSYON:
10-9 Kailangan mong umayos , kaibigan! Mariing mayroon kang maraming kaibigan pero kailangan mong pagandahin ang iyong friendship skills. Mayroon kang magagandang ideya sa pagkakaibigan pero kailangan mo p a itong ayusin. Pero wag kang mag alala dahil mapapalawak mo pa ito. Humanap ka ng mga kaibigang makakaintindi sa’yo gaya ng nasa 22-30 na puntos na kategorya.
20-21 Katamtamang kaibigan! Ikaw ay isang katamtamang kaibigan. Para sa’yo, ang pagkakaibigan ay tungkol sa kasiyahan lamang, hindi masyadong seryoso. Mayroon kang halong ideya sa pagkakaibigan. Lagi mong tandaan na ang pagkaibigan ay tungkol sa pagtutulungan upang maging mabuting tao.
22-30 Totong kaibigan! Ayos! Isa kang totoong kaibigan. Ang totoong kaibigan ay tatrato sa paraang gusto mo. Alam mo ang totoong tao. Natutuwa ang Diyos para sa’yo.
A.Isa kang eksperto sa hindi totoong pagmamahal o makasariling pagmamahal na ibig sabihin ay hindi talaga pagmamahal. Una mong mapansin ay ang pisikal na anyo ng tao at ito ang iyong basehan ng paghahanap ng taong mamahalin. B.May halo kang hindi kasiguraduhan sa pagmamahal. Kailangan mong bigyang pansin at aksyon ang pagmamahal. Ito’y hindi lamang nararamdaman, ito rin ay nababago sa emosyon. C.Mayroon kang magandang pag-uunawa sa pagmamahal. Alam mong ang pagmamahal ay may katumbas na pagtatapat hindi lang purong emosyon. Panatilihin mo ito!
FINISH LINE!
4 Kung asul lahat ng pinili mo, basahin ang kahon A. Kung palipat-lipat ka, mula sa pula hanggang sa asul, basahin ang nasa kahon B. 4 Kung pula lahat ng napili mo, basahin ang kahon C. Kung palipat-lipat ka, mula sa asul hanggang pula, basahin ang kahon B.
3 Ang pagmamahal ay tungkol sa pagtatalik lamang.
Oo: Umakyat sa pula 4
Hindi: Umakyat sa asul 4 3 Ang pagmamahal ay nangagailangan ng pagpapasya upang matulungan ang iba.
Oo: Umakyat sa pula 4
Hindi: Umakyat sa asul 4
2 Ang pagmamahal ay kailangan ng pagsuko para sa kabutihan ng ibang tao.
Oo: Umakyat sa pula 3
Hindi: Umakyat sa asul 3 2 Ang pagmamahal ay kailangan ng pagtatapat.
Oo: Umakyat sa pula 3
Hindi: Umakyat sa asul 3
1 Ang pagmamahal ay may aksyon hindi lang nababase sa emosyon.
Oo: Umakyat sa pula 2
Hindi: Umakyat sa asul 2 1 Ang pagmamahal ay pananalig.
Oo: Umakyat sa pula 2
Hindi: Umakyat sa asul 2
PASYAL PAGMAMAHAL, GO !
Ang pagmamahal ay base sa pisikal na anyo.
Oo : Umakyat sa pula na kahon 1
Hindi : Umakyat sa asul na kahon 1
DITO MAGSIMULA...
FASH-YON
Naiilang ka ba sa mga damit at gamit mo ngayon? Hindi ba ito sumasang-ayon o sumabay sa uso? Walang ideya sa patok ngayong tag-init? Pwes, ‘wag kang mag-alala. May kasagutan tayo dyan!
Kung noong mga nakaraang tag-init ay nauuso ang mga kulay na itim at puti, uso rin ito ngayon. Ito ay tradisyon na at dapat rin itong sundin at g amitin dahil patok na patok ito ngayong 2012 summer. Ito ang iilan sa mga patok at IN na IN ngayong tag-init.
1. Espadrilles
2. One-piece
3. Crochet
4. Belt bags
5. Kitten heel
6. Creamy neutrals
7. Whimsical patterns/prints
8. High-waisted flare pants
9. Lace
10. Fad handbag
Iilan lamang ito sa mga patok ngayong tag-init ng 2012. Ang dalandan na kulay ay pasok din dahil ito ay nakapagbibigay ng empasis sa iyong sinusuot at ito ay magandang tingan habang mainit ang panahon. Pasok din ang stripes na kulay. Pwede kang magsuot ng mga damit na kulay stripes mula ulo hanggang paa dahil ito ay presentable, fasyonable at naiibang tingnan ayon sa mga designer.
Huwag maging pabaya sa sarili ngayong tag-init. Sumunod sa mga uso at maglakad suot ang mga damit at gamit na comportable ka, patok na patok at napapanahon.
PAGMAMAHAL SA KAPWA
Pagkaalis ni Judas ay sinabi ni Jesus, “Mga anak, kaunting panahon makakasama. Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo: mag-ibigan kayo! Kung paanong iniibig ko kayo, gayon din naman, mag-ibigan kayo. Kung kayo’y mag-ibigan, makilala ng lahat na kayo’y mga alagad ko. “
TOP 5 SEXY AT HOT!
Nagsalita na ang taumbayan. Gusto mo bang inspirasyon at maging katulad nila? Ang mga sumusunod ay ang top 5 na mga sexy at hot base sa survey na ginawa at binoto ng nakararami. Tanawin ang napakaliwanag at napakagandang mukha ng mga estudyanteng bituin sa Development Communication sa Cebu Technological University.
#5- Arcile Padrigao, Jannet Monares, Ma. Elizabeth Amores, Maria Fe Seguisabal, Vina Benemirito
#4- Renelyn Cuambot, Sheila Bacolod
#3- Alexza Ann Golez, Era Mae Co
#2- Rosemarrie So
#1-Gem Bautista
K A T U W A A N
SHOWBUZZ
Top 10 na magagandang dilag sa telebisyon ngayong 2012.
10. Kim Chiu 5. Julia Montes
9. Marian Rivera 4. KC Concepcion
8. Eula Caballero 3. Jasmine Curtis Smith
7. Anne Curtis Smith 2. Solenn Heusaff
6. Sam pinto 1. Nadine Samonte
Top 10 na matipunong lalaki sa telebisyon ngayong 2012.
10. Kean Cipriano 5. David Archuleta
9. Enchong Dee 4. Paolo Contis
8. Aljur Abrenica 3. Dingdong Dantes
7. Jericho Rosales 2. Neil Coleta
6. Brian Termulo 1. Jake Cuenca
SINESCOOP
Plano mo bang ilibang ang iyong sarili ngayong tag-init sa panonood ng mga palabas? Mayroon akong sampung pelikula na talagang pakakaabangan mo ngayong 2012 summer.
1. The Dark Knight Rises
Direktor: Christopher Nolan
Mga Karakter: Christian Bale, Joseph Gordon- Levitt, Gary Oldman, Michael Caine
2. Promethus
Direktor: Ridley Scott
Mga Karakter: Naomi Rapace, Charlize Theron, Patrick Wilson, Idris Elba
3. Dark Shadows
Direktor: Tim Burton
Mga Karakter: Johnny Depp, Michelle Pfeiffer, Eva Green, Helena Bonham Carter
4. The Avengers
Direktor: Joss Whedon
Mga Karakter: Robert Downey Jr., Chris Evans, Scarlett Johansson, Jeremy Renner
5. Moonrise Kingdom
Direktor: Wes Anderson
Mga Karakter: Jared Gilman, Kara Hayward, Bruce Willis, Bill Murray
Gawing masaya ang summer mo ngayong 2012 sa kapapanood ng mga foreign na mga pelikula kagaya nito.
MAGAZINE
KWENTO
Hay naku! Ang pag-ibig nga nama’y sadyang napakasarap at npakasakit. Minsan ika’y masaya, minsan nama’y ika’y naluluha. Ang taas-taas na nga aking paglalakbay at ako’y narito, Masaya kahit sa mapait na nakaraan, kontento at napakaswerte.
Ako’y isang Boholano. Isang simpleng tao na mahirap at nagpupursige. Minsan noon sa buhay ko, may nakilala akong isang babaeng minahal ko nang lubusan. Ito kasing kaibigan ko ang nagtulak sa’kin sa pader ng pagmamahal. Si Maila, ang nagpapatibok ng puso ko kahit kami ay magtextmate lamang. Hindi ko pa siya nakikita ng personal pero ewan ko sa sarili naming bakit nagmahalan kami. Siguro, bulag talaga ang pag-ibig. Kahit ‘di mo pa nakikita, tumibok na ang puso mo na hindi man lang nagpaalam.
Sabik na sabik kami na Makita ang isa’t isa. Isa kasi siyang Cebuana kaya’t mahirap para sa amin na magkita agad dahil rin sa kakulangan ko sa pera. Dalawang taon na kaming nagmamahalan at hindi talaga nawala ang komunikasyon naming. Kaya’t sa edad ko na 17, nagpasya akong pumunta sa Cebu upang makita siya at makikipagsapalaran din ng trabaho sa Cebu. Nagpaalam ako sa aking mga magulang. Ang ama ko naming napakahigpit, hindi sumang-ayon sa desisyon ko. Wala akong magawa kundi sundin siya.
Kinwento k okay Maila a ng pangyayaring iyon at sa takdang panahon, magkikita rin kami. Todo kayud nalang ako sa Bohol kahit pa extra-extra lang. Minsan, tutulong din ako sa aking ama sa konstruksyon at sa aking mga kaibigan na at kapitbahay sa pagtanim ng bigas. Kahit papaano naman, nagkakapera din ako.
Isang taon ang nakalipas, ngayo’y nasa saktong edad na ako ay nagdesisyon na naman ako na pumunta sa Cebu. Pero panay pa rin ang higpit ng ama ko. Kahit 18 na ako, hindi pa rin nya pinaunlakan ang kagustuhan ko. Kaya’t nagawa kong magrebelde. Umalis ako sa bahay naming ng hindi nila alam. Naglayas ako. Isinasakripisyo ko ang buong buhay at pamilya ko, makamit lang ang kagustuhan kong makita ang minamahal kong si Maila.
Nang dumating ako sa Cebu, nagkita agad kami ni Maila sa isang pasyalan. Hindi ko inakalang ganun kaganda at kaelegante ang babaeng mahal ko. At siya pala ay laki sa karangyaan. ‘Di nya ito naikwento dahil hindi siya yung tipong social na tao.
Sa puntong iyon, nakahanap ako agad ng trabaho sa Cebu na nagging paraan ko upang mkapag-aral. Nagtatrabaho ako sa umaga at sa gabi naman ay nag-aaral ako. Todo kayod ako, maipakita ko lang kay Maila na kaya kong panindigan ang buhay ko at kayak o siyang buhayin sa hinaharap.
Pagkatapos sa apat na taon, nakatapos rin ako sa kursong BSIT sa isang pribadong paaralan sa Cebu. Nakahanap ako ng magandang trabaho. Naging supervisor sa isang respetadong kompanya. Si Maila naman ay isang manager sa napakasikat na hotel sa Cebu. Sa kabila ng aking nakamit, hindi pa I to nalalaman ng aking mga magulang. Natatakot kasi ako na baka hindi na nila ako tatanggapin. Pinili ko munang manahimik at uuwi nalang ako sa Bohol kapag ikinasal na kami ni Maila.
Sadyang nagging busy kami ni Maila sa trabaho. Pero hindi pa rin naapektuhan ang aming pagmamahalan kahit minsan nalang kami nagkikita at nagco-comminicate.
Dumating ang araw na niyaya ko siyang magpakasal. Napakasaya ko dahil tinanggap ni Maila ang alok ko. Engaged kami nagpasya kami na sa susunod na taon na kami magpakasal upang mayroon kaming sapat na panahon na planuhin at paghandaan ang lahat.
Sa paglipas ng ilang buwan, parang nawala na si Maila sa buhay ko. Hindi na kami nagkikita at wala ng komunikasyon sa isa’t isa. Minsa’y nag iwan ako ng message sa kanya sa friendster at nag email pero wala siyang reply. Kahit tatawagan ko siya, hindi ko na siya makontak.
Isang lingo ang nakalipas, na surpresa ako dahil nag iwan ng mensahe si Maila sa email ko. Nagyaya siya na magkita kami personal dahil may importante raw kami na pag-uusapan.
Pinaunlakan ko siya at nagkita kami sa isang simbahan. Agad-agad niyang sinabi na sa susunod na araw pupunta na siya sa Canada dahil ito raw ang gusto ng kanyang ama. Tinanong ko siya kung bakit hindi nya ito sinabi sa akin. Nagdurugo ang puso ko sa pangyayaring iyon. Sinabi nya naman na kasali raw ako sa mga plano niya at kung bakit pupunta siya ng Canada. Pinayagan ko siya dahil pinagkakatiwalaan ko siya.
Nagdaan ang ilang mga araw, buwan at taon, hindi na nagparamdam si Maila sa akin. Sa kabila ng lahat, hindi ko siya pinalitan dahil alam ko sa sarili ko na mahal ko siya kaya malaki ang ibinuwis ko para lang sa kanya. Araw-araw akong umaasa na sana mag-iwan siya ng mensahe sa friendster at yahoomail. Hanggang sa isang araw, nakita ko sa friendster relationship status nya ay married na. Nag iwan pa siya ng mensahe n asana raw ako ang napakasalan niya pero wala siyang magawa dahil kontrolado siya sa ama niya. Hindi ko maipadarama ang nararamdaman ko sa mga sandaling iyon. Nawalam ako mg pag-asa, parang namatayan ako at gumuho ang mundo ko. Nagsisisi ako na minahal siya. Iniwan ko pa ang pamilya ko para sa kanya pero ito lang pala ang kalalabasan sa lahat ng mga sakripisyo ko. Hindi na ako maka focus sa trabaho ko. Lahat ng co-workers ko ay dumistansya na dahil sa hindi na nila maintindihan ang ugali ko. Kahit ang boss ko ay pinapagalitan ko na, sinigawan kahit sa simple at maliit na isyu lang. Pinagtaasan ng boses. Minumura at binigo. Nawalan ako ng trabaho, ibina-ban ako at hindi na ako tatanggapin sa alinmang kompanya dahil sa nagawa ko sa aking boss. Wala na akong magawa sa Cebu kaya umuwi nalang ako sa Bohol. Natatalot man ako pero nilakasan ko ang loob ko. Nagpapasalamat din naman ako dahil tinanggap pa rin ako ng pamilya ko. Wala akong trabaho sa Bohol pero buti nalang mayroon pa akong pera na natira sa banko.
Minabuti ko nalang na bumalik sa Cebu upang humingi ng tawad sa mga boss ko noon upang maibaba ang kaparusahan na pinataw nila sa akin upang makatrabaho muli sa kahit anong kompanya. Ganun pa man, pagpunta ko sa Cebu ay naibaba ang parusa pero nanatiling hindi na ako makatrabaho sa matataas na posisyon. Kaya’t, nagdesisyon nalang ako na magpatayo ng internet café.
Nagdaan ang mga taon, yung attendant ng internet café ko ay nagiging kasintahan ko. Natatakot nga ako dahil nabuntis siya kaya pinakasalan ko siya dahil mahal ko naman siya at mahal din nya ako. Masaya kaming nagsama ngayon sa piling na aming tatlong anak.
Patuloy pa rin ang komunikasyon namin ni Maila. Masaya rin siya sa kanyang Canadian na asawa at mga anak. Gusto niya along tulungan sa pagbaba ng parusa upang makatrabaho muli sa mataas na posisyon. Pero sabi ko sa kanya na Masaya na ako at kontento sa buhay ko.
Dahil medyo na bo-bored ako sa internet café, bumili ako ng dyip at ngayon, isa na akong jeepney driver. Masaya na ako sa buhay ko ngayon dahil alam ko na nakabangon na ako mula sa mapait na nakaraan na pinagdaanan ko. Kahit di ko na makamit muli ang buhay na gusto ko, alam kong may plano ang Diyos bakit naging ganito ang takbo ng buhay ko. Tinulungan niya akong bumangon. Minahal ako ng tao sa panahon na kailangan ko ng karamay. Tinanggap ako ng pamilya ko sa panahon na gusto ko ng sumuko. At binigyan ako ng Maykapal ng bagong pag-asa upang harapin muli ang pangalawang yugto ng buhay ko sa kabila ng lungkot at masakit kong nakaraan.
10 BAGAY TUNGO SA PAG-UNLAD
10. Gawin ang magandang mga pagpipilian o chansa kahit na napakahirap itong abutin.
9. Manatiling maging mapagbigay sa kapwa.
8. Pag-igihan pang gawin ang gusto mo na sa tingin mo ay nararapat talaga para sa iyo.
7. Wag mawalan ng pag-asa kapag nabigo. Magsimulang muli!
6. Piliin mo ang kaibigan na may magandang impluwensiya.
5. Mahalin mo ang iyong kaaway o yung tao na nagkamali sa’yo.
4. Pagiging masaya sa piling ng iba.
3. Maniwala na ang Diyos ay nagmamahal sa’yo na walang kapalit.
2. Magdasal palagi!
1. Alamin mo ang rason ng Diyos sa ibinigay niyang buhay sa’yo. Mayroon siyang magandang plano para sa’yo.
10 BAGAY TUNGO SA PAG-UNLAD
10. Gawin ang magandang mga pagpipilian o chansa kahit na napakahirap itong abutin.
9. Manatiling maging mapagbigay sa kapwa.
8. Pag-igihan pang gawin ang gusto mo na sa tingin mo ay nararapat talaga para sa iyo.
7. Wag mawalan ng pag-asa kapag nabigo. Magsimulang muli!
6. Piliin mo ang kaibigan na may magandang impluwensiya.
5. Mahalin mo ang iyong kaaway o yung tao na nagkamali sa’yo.
4. Pagiging masaya sa piling ng iba.
3. Maniwala na ang Diyos ay nagmamahal sa’yo na walang kapalit.
2. Magdasal palagi!
1. Alamin mo ang rason ng Diyos sa ibinigay niyang buhay sa’yo. Mayroon siyang magandang plano para sa’yo.
ANO ANG TOTOONG PAGMAMAHAL? (PASULIT)
1. May nakita kang mag-asawa na sweet na sweet at naghahawakan sa kamay. Ang ginawa mo ay:
a. Namangha dahil nakita mong nagmamahalan talaga sila sa isa’t isa.
b. Nagtataka kung bakit nagkagustuhan ang dalawa kahit matanda at matamlay na sila.
c. Akala mong wala silang magawa at gusto lang nilang maglibang.
2. Para sa’yo ang kasal ay:
a. Imposible. Mabibigo rin naman.
b. Ang pinakatotoong indikasyon sa pagamamahalan.
c. Isang magandang ideya sa mag-aasawa pero hindi iniisip ang pangmatagalang pagtapatan.
3. Kung maririnig mo ang salitang “pagmamahal”, ang una mong maiisip ay:
a. Pagtatalik
b. Nararapat na tao para sa’yo
c. Diyos
4. Sabi ng kaibigan mo na simpatico/maganda ka. Iniisip mo na:
a. Mamahalin o magustuhan ka na nagyon.
b. Nakakatulong ito na mahalin o magustuhan ka pero hindi ito para sa lahat.
c. Masaya ka pero hindi ito makakatulong na mahalin o magustuhan ka.
PUNTOS
1. A-3
B-1
C-2
2. A-1
B-3
C-2
3. A-1
B-2
C-3
4. A-1
B-2
C-3
DESKRIPSYON:
10-12 puntos- Makakahanap ka na ng totoo at walang hanggang pagmamahal.
7-9 puntos- Nasa tama kanang direksyon pero kailangan mo pang malaman ang kahulugan ng tunay na pagmamahal.
4-6 puntos- Di mo makamit sa ngayon ang tunay mong pagmamahal pero hindi pa huli ang lahat. Maaari ka pang magbagong direksyon.
A.Isa kang eksperto sa hindi totoong pagmamahal o makasariling pagmamahal na ibig sabihin ay hindi talaga pagmamahal. Una mong mapansin ay ang pisikal na anyo ng tao at ito ang iyong basehan ng paghahanap ng taong mamahalin. Pero nagyon, kung gusto mong magbago, nandyan ang Diyos upang tulungan ka. Magdasal ka lang! B.May halo kang hindi kasiguraduhan sa pagmamahal. Kailangan mong bigyang pansin at aksyon ang pagmamahal. Ito’y hindi lamang nararamdaman, ito rin ay nababago sa emosyon. C.Mayroon kang magandang pag-uunawa sa pagmamahal. Alam mong ang pagmamahal ay may katumbas na pagtatapat hindi lang purong emosyon. Panatilihin mo ito!
5 Kung asul lahat ng pinili mo, basahin ang kahon A. Kung palipat-lipat ka, mula sa pula hanngang sa asul, basahin ang nasa kahon B.
4 Ang pagmamahal ay tungkol sa pagtatalik lamang.
Oo: Umakyat sa pula na kahon 5
Hindi: Umakyat sa asul na kahon 5
3 Ang pagmamahal ay kailangan ng pagsuko para sa kabutihan ng ibang tao.
Oo: Umakyat sa pula na kahon 4
Hindi: Umakyat sa asul na kahon 4
2 Ang pagmamahal ay kailangan ng pagtatapat.
Oo: Umakyat sa pula na kahon 3
Hindi: Umakyat sa asul na kahon 3
1 Ang pagmamahal ay may aksyon hindi lang nababase sa emosyon,
Oo: Umakyat sa pula na kahon 2
Hindi: Umakyat sa asul na kahon 2
Kung pula lahat ng napili mo, basahin ang kahon C. Kung palipat-lipat ka, mula sa asul hanggang pula, basahin ang kahon B.
3 Ang pagmamahal ay nangagailangan ng pagpapasya upang matulungan ang iba.
Oo: Umakyat sa pula na kahon 4
Hindi: Umakyat sa asul na kahon 4
2 Ang pagmamahal ay hindi makasarili.
Oo: Umakyat sa pula na kahon 3
Hindi: Umakyat sa asul na kahon 3
1 Ang pagmamahal ay pananalig.
Oo: Umakyat sa pula na kahon 2
Hindi: Umakyat sa asul na kahon 2
ANG PAGSIMULA NG LAHAT
Ang Salita ng Buhay. Sa pasimula pa’y naroon na ang salita. Kasama ng Diyos ang Salita at ang Salita ay Diyos. Kasama na siya ng Diyos sa pasimula pa. Sa pamamagitan niya nilikha ang lahat ng bagay at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya. Mula sa kanya ang buhay at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan. Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw at hindi ito kailanman nagapi ng kadiliman. Nasa sanlibutan ang Salita. Nilikha ang sanlibutan sa pamamagitan niya ngunit hindi siya nakilala ng sanlibutan. Naparito siya sa kanyang bayan ngunit hindi siya tinanggap ng kanyang mga kababayan.
Ngunit ang lahat ng tumanggap at nanalig sa kanya ay pinagkaloob niya ng karapatang maging anak ng Diyos. Sila nga’y naging anak ng Diyos, hindi dahil sa isinilang sila ayon sa kalikasan, ni sa pita ng laman o sa kagagawan ng tao. Ang pagiging anak nila ay buhat sa Diyos. Naging tao ang Salita at siya’y nanirahan sa piling natin.
Nakita naming ang kanyang kapangyarihan at kadakilaan, puspos ng pag-ibig, tayong lahat ay tumanggap mula sa kanya ng abut-abot na kaloob. Ang pag-ibig at ang katotohanan ay dumating sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Kailanma’y walang nakakita sa Diyos, subalit ipinakilala siya ng bugtong na Anak- siya’y Diyos- na lubos na minamahal ng Ama.
ILANG TIPS BAGO NAGPAKASAL!
• Manatiling nasa tahimik at magsaya kasama ang pamilya.
• Gawing unang prayoridad ang Diyos higit sa lahat.
• Dapat mayroon kang klarong daan patungo sa tagumpay.
• Kung ntumibok ang puso mo, gamitin ang utak hindi lamang ang puso.
• Humingi ng patnubay at gabay sa iyong pamilya, kaibigan ast mga lider na npang- ispiritwal.
• Ipreserba ang pagtatalik. Gawin ito pagkatapos ng kasal.
ITO ANG TOTOO
Ano ba ang totoo? Saan nanggaling at paano malulunasan ang sakit na HIV/AIDS?
• Hindi ka makakakuha ng HIV/AIDS sa pamamagitan ng paggamit sa baso ng mayroong HIV/AIDS.
• Ang pagyayakap ng taong positibo ng HIV?AIDS ay hindi nakakahawa.
• Hindi malulunasan at mawala ang HIV/AIDS kung makikipagtalik ka sa taong negatibo nito.
• Makukuha ang HIV/AIDS kung nakikipagtalik ka sa taong positibo nito.
• May HIV/AIDS ka kung ikaw ay anak ng nagpositibo nito.
• Magkakaroon ka nito kapag ika’y dumaan sa blood transfusion at ang dugong ibinigay ay positibo.
• Makukuha ang HIV/AIDS kapag ika’y nakikipagsalo ng karayom para mag-inject ng druga sa taong nagpositibo nito.
Paano ba ito malulunasan at maiiwasan?
Una, iwasan ang pakikipagtalik lalo na’t hindi ka pa kasal dahil ito ay dapat protektahan at ipreserba. Pangalawa, kung ikaw ay nahahawa sa ganitong sakit, magdasal ka dahin nandyan ang Diyos na handing tumulong sa’yo at patnubayan ka. Kung iaalay mo ang lahat sa kanya, malalaman mong walang mahirap na sitwasyon.
TOTOOONG KAIBIGAN O HINDI? 1 2 3
1. Kung may magandang mangyari sa aking kaibigan, naging masaya
ako para sa kanya ng walang halong pagseselos.
2. Kung may problema ang kaibigan ko, gagawin ko ang lahat kahit
ano pa ang mangyari basta’t matulungan ko lang siya.
3. Madali lang sa akin ang pagpapatawad sa isang tao na nagkakasala
sa’kin at makikpag-ibigang muli.
4. Kapag ang kaibigan ko ay nasa kapahamakan, lalapit sila sa akin
upang humingi ng tulong at payo o isasalaysay ang nangyari sa kanya.
5. Ang aking pananalita at kilos ay nakakatulong sa mga kaibigan ko
upang mailayo sila sa mga gawaing hindi kaaya-aya.
6. Kung ang kaibigan ko ay may ginawang nakakahiya, natatawa ako
hindi ko itong gawing hindi kanais-nais para sa kanya at sa ibang tao.
7. Hindi ako namimili ng kaibigan sa pisikal na anyo man o sa kanyang
estado ng buhay.
8. Hindi ako nagsasalita ng mga masasamang salita sa aking mga
kaibigan lalo na sa kanilang likuran.
9. Mapagkakatiwalaan ako. Kung ang kaibigan ko ay may sinabing
sekreto, mananatili itong sekreto at hindi ko ito ipagsasabi sa iba.
10. Ang pagkakaibigan para sa akin ay hindi lamang tungkol sa aking
makukuha na kasiyahan kundi alam ko na may responsibilidad din
ako sa kanila.
DESKRIPSYON:
10-9 Kailangan mong umayos , kaibigan!
Mariing mayroon kang maraming kaibigan pero kailangan mong pagandahin ang iyong friendship skills. Mayroon kang magagandang ideya sa pagkakaibigan pero kailangan mo p a itong ayusin. Pero wag kang mag alala dahil mapapalawak mo pa ito. Humanap ka ng mga kaibigang makakaintindi sa’yo gaya ng nasa 22-30 na puntos na kategorya.
20-21 Katamtamang kaibigan!
Ikaw ay isang katamtamang kaibigan. Para sa’yo, ang pagkakaibigan ay tungkol sa kasiyahan lamang, hindi masyadong seryoso. Mayroon kang halong ideya sa pagkakaibigan. Lagi mong tandaan na ang pagkaibigan ay tungkol sa pagtutulungan upang maging mabuting tao.
22-30 Totong kaibigan!
Ayos! Isa kang totoong kaibigan. Ang totoong kaibigan ay tatrato sa paraang gusto mo. Alam mo ang totoong tao. Natutuwa ang Diyos para sa’yo.
TV NETWORK SURVEY
Anong major TV Network ang pinapanigan mo? ABS-CBN? GMA? TV5? Ano ang nagustuhan mo sa TV Netwok na ito?
Jonabelle Loreto BS Stat 2-A
Para sa akin, GMA 7 kasi marami akong mga impormasyon na makukuha tulad ng 24 oras. Ang balita ay pangkalahatan, may local, international at worldwide ang coverage nito. Ang kanilang telebabad at sitcom ay educational pero entertaining. Hindi ako nagsasawa sa panonood at follow ng kanilang istasyon.
Mary Saint Felipa Inso BS DevCom 3-A
ABS-CBN. Simula pagkabata ko, gusto ko na talaga ang network na ito dahil sa mga programa nila.
Noriel Venezuela BS DevCom 3-A
ABS-CBN. Hindi OA ang mga artista. Ang m ga programa ay appropriate sa sitwasyon ng Pilipinas at sa mga tao.
Eujiel Capuyan BSED 1A CTU Tuburan Campus
ABS-CBN. Hindi nakakasawa ang kanilang mga programa hindi tulad ng GMA.
Ruel Esco BS MarE 1-3
ABS-CBN. Nandun ang aking mga paborito na mga programa lalong lalo na ang It’s Showtime.
Denmark Rico BS MarE 1-3
ABS-CBN dahil magaganda ang mga shows lalo na ang It’s Showtime.
Oliver Quines BS MarE 1-3
GMA. Marami silang mga palabas. Gusto ko ay Party Pilipinas.
Jason Capait BSIT Machine Shop 3-G
ABS-CBN. Hindi marami ang patalastas. Mas priority nila ang mga palabas kaysa patalastas.
Raboni Gingoyon BSCE 3-D
TV5. Kasi gusto ko ang Sineplex nila sa gabi. Minsan naman, manonood din ako ng Balitang Bisdak sa GMA.
Juancho Rizanor Alcantara BSCE 3-D
TV5. Gusto ko ang mga foreign na mga palabas nila gaya ng Super Sine Singko sa umaga at Sineplex sa gabi. Manood din ako minsan ng balita sa ABS-CBN, yung TV Patrol Central Visayas.
Marlon De Los Santos BSCE 3-D
ABS-CBN. Ma e-enhance yung English skill ko at yung paggawa ng graphics.
Adrian Juntong BSCE 3-D
ABS-CBN. Dahil may foreign na palabas.
Jievah Cris Cantiveros BS DevCom 2-A
ABS-CBN. Lahat ng mga palabas nila ay gusto ko kasi mayroon talagang kalidad ang mga ito at nakakarelate talaga ako lalo na kung love story.
KAPALARAN
Ang kapalaran ay katuwaan lamang. Hindi ka kailangang maniwala.
Aries (Marso 21- Abril 19)
Makakamit mo ang pinapangarap mo pero kailangan mo pang kumilos upang hindi ito mawala sa’yo.
Taurus (Abril 20- Mayo20)
Wag kang magtiwala agad sa mga taong hindi mo kilala lalo na rin ang mga taong mas nakakilala sa’yo dahil isa sa kanila ay niloloko ka.
Gemini (Mayo 21- Hunyo 20)
Palaguin pa ang pag-ibig mo sa pamilya, kaibigan at sinisinta dahil ito ang magiging daan mo patungong tagumpay.
Cancer (Hunyo 21- Hulyo 22)
Lalayo ang is among kaibigan pero may darating na magiging bagong kaibigan mo na magpapahulog sa loob mo. Iwasan muna na ibigin siya sa ngayon dahil ito ang makakasira sa hinaharap mo. Obserbahan at tiyakin muna ang buong pagkatao nya.
Leo (Hulyo 23- Agosto 22)
‘Wag kang gumala ngayong gabi dahil may masamang mangyayari sa’yo pero makakaligtas ka naman nito. Mas tiyak at mabuti munang manatili ka sa iyong bahay.
Virgo (Agosto @3- Setyembre 22)
Isang malaking oportunidad ang babago sa takbo ng buhay mo pero ito’y tinanggihan mo dahil sa paniniwalang mas malaki ang pa ang oportunidad na pinili mo kaysa nito.
Libra (Setyembre 3- Oktubre22)
Mabibigo ka sa pag-ibig ngayon. Inakala mong siya na ang huli pero hindi pa pala dahil mas pinili niyang makapiling ang kaibigan mo kaysa sa’yo.
Scorpio (Oktubre 23- Nobyembre 21)
Matitikaman mo ang pinakamasayang pangyayari na hindi mo pa nararanasan. Pero sadyang may puputol nito at tila wala kang magawa.
Sagittarius (Nobyembre 22- Disyembre 21)
Ingatan mo ang mayroon ka dahil sa isang iglap lang, ito’y mawawala at hindi mo na muling makuha pa. Makipaghalubilo sa ibang tao at pasiyahin mo ang buhay mo.
Capricorn (Disyembre 22- Enero 19)
Patawarin mo ang nagkasala sa’yo dahil siya ang nagdadala ng swerte sa buhay mo. Huwag mong hayaang mawala siya sa’yo magpakailanman.
Aquarius (Enero 20- Pebrero 18)
Ipagpatuloy mo ang sa tingin mo’y tama at huwag munang magsaya ngayon dahil ito ay isang sumpa sa pagkahanap mo ng taong magmamahal sa iyo ng totoo.
Pisces (Pebrero 19- Marso 20)
Manatiling simple sapagkat magbibigay ito ng daan sa’yo patungong tagumpay. Kumilos at harapin ang anumang darating sa buhay mo.
MENSAHE NG EDITOR
Isa itong karangalan para sa akin na makapagbuo at makapagsulat ng iba’t ibang kwento o artikulo sa magasin na ito. Napakasarap ng pakiramdam na nakamit ko ang paggawa ng isang magasin. Minsan, naiisip ko na hindi ko kayang gumawa ng sariling magasin pero ito pala ang nagiging daan ko upang mas mapabuti at matuto ng mga bagong bagay lalong lalo na sa pagsulat. Dahil ditto, naipapahayag ko ang aking mga nadarama, binahagi ang gusto na maaaring mapagkunan ng ideya at matutunan ng mga mambabasa.
Ito ang nagbigay papuri sa akin upang patuloy na magsulat dahil natuklasan ko ang Masaya at magandang mundo ng jornalismo. Dapat, hindi tayo magsawa sa pagsulat dahil ditto natin maibigay ang mga gusto nating ipahayag na hindi natin kayang ipakita sa pamamagitan ng pagsasalita. Para sa akin, isa itong kakaibang karanasan na nagawa ko sa buong buhay ko dahil ito ang unang magasin na nagawa ko at talagang ginugol ko ang lahat upang ito ay magiging posible.
Bilang isang manunulat, napakalaki ng responsibilidad na kailangan mong akuin sapagkat kailangang mayroon kang kredibilidad, dapat pawing katotohanan lamang ang dapat isulat sa mga sensitibong isyu at dapat gawin at ialay mo ang lahat upang maging epektibo ang kinalalabasan nito.
Gusto ko pong iabut ang napakalaki kong pasasalamat sa inyo dahil kayo ang nagiging inspirasyon ko sa pagkamit nito.
Para sa mga komentaryo at suhestiyon, mag email lang sa christianneericorbiso@yahoo.com o magtext sa 09226000512 o 09489959744. Maaari rin ninyong bisitahin at tingnan ang iba pang mga artikulong nagawa ko sa www.yoamorvos.blogspot.com.
FASYON
Naiilang ka ba sa mga damit at gamit mo ngayon? Hindi ba ito sumasang-ayon o sumabay sa uso? Walang ideya sa patok ngayong tag-init? Pwes, ‘wag kang mag-alala. May kasagutan tayo dyan!
Kung noong mga nakaraang tag-init ay nauuso ang mga kulay na itim at puti, uso rin ito ngayon. Ito ay tradisyon na at dapat rin itong sundin at g amitin dahil patok na patok ito ngayong 2012 summer. Ito ang iilan sa mga patok at IN na IN ngayong tag-init.
1. Espadrilles
2. One-piece
3. Crochet
4. Belt bags
5. Kitten heel
6. Creamy neutrals
7. Whimsical patterns/prints
8. High-waisted flare pants
9. Lace
10. Fad handbag
Iilan lamang ito sa mga patok ngayong tag-init ng 2012. Ang dalandan na kulay ay pasok din dahil ito ay nakapagbibigay ng empasis sa iyong sinusuot at ito ay magandang tingan habang mainit ang panahon. Pasok din ang stripes na kulay. Pwede kang magsuot ng mga damit na kulay stripes mula ulo hanggang paa dahil ito ay presentable, fasyonable at naiibang tingnan ayon sa mga designer.
Huwag maging pabaya sa sarili ngayong tag-init. Sumunod sa mga uso at maglakad suot ang mga damit at gamit na comportable ka, patok na patok at napapanahon.
SINESCOOP
Plano mo bang ilibang ang iyong sarili ngayong tag-init sa panonood ng mga palabas? Mayroon akong sampung pelikula na talagang pakakaabangan mo ngayong 2012 summer.
1. The Dark Knight Rises
Direktor: Christopher Nolan
Mga Karakter: Christian Bale, Joseph Gordon- Levitt, Gary Oldman, Michael Caine
2. Promethus
Direktor: Ridley Scott
Mga Karakter: Naomi Rapace, Charlize Theron, Patrick Wilson, Idris Elba
3. Dark Shadows
Direktor: Tim Burton
Mga Karakter: Johnny Depp, Michelle Pfeiffer, Eva Green, Helena Bonham Carter
4. The Avengers
Direktor: Joss Whedon
Mga Karakter: Robert Downey Jr., Chris Evans, Scarlett Johansson, Jeremy Renner
5. Moonrise Kingdom
Direktor: Wes Anderson
Mga Karakter: Jared Gilman, Kara Hayward, Bruce Willis, Bill Murray
6. Brave
Direktor: Mark Andrews, Brenda Chapman
Mga Karakter: Kelly Macdonald, Billy Connolly, Emma Thompson, Julie Walters
7. Wettest Country
Direktor: John Hillcoch
Mga Karakter: Tom Hardy, Shia LaBeouf, Guy Pearce, Jessica Chastain
8. Safety Not Guarranteed
Direktor: Colin Trevorrow
Mga Karakter: Aubrey Plaza, Jake M. Johnson, Karan Soni, Mark Duplass
9. Ted
Direktor: Seth MacFarlane
Mga Karakter: Mark Wahlberg, Mila Kunis, Seth MacFarlane, Giovanni Ribisi
10. Get the Gringo
Direktor: Adrian Grunberg
Mga Karakter: Mel Gibson, Peter Stormare, Dean Norris, Bob Gunton
Gawing masaya ang summer mo ngayong 2012 sa kapapanood ng mga foreign na mga pelikula kagaya nito.
SHOWBUZZ
Top 20 na magagandang dilag sa telebisyon ngayong 2012.
20. Niña Jose
19. Heart Evangelista
18. Erich Gonzales
17. Katrina Halili
16. Iza Calzado
15. Alex Gonzaga
14. Ritz Azul
13. Cristine Reyes
12. Rhian Ramos
11. Jessie Mendiola
10. Kim Chiu
9. Marian Rivera
8. Eula Caballero
7. Anne Curtis Smith
6. Sam pinto
5. Julia Montes
4. KC Concepcion
3. Jasmine Curtis Smith
2. Solenn Heusaff
1. Nadine Samonte
Top 20 na matipunong lalaki sa telebisyon nagyong 2012.
20. Joseph Bitangcol
19. JC De Vera
18. David Archuleta
17. Luis Manzano
16. Billy Crawford
15. Oyo Sotto
14. Gerald Anderson
13. Piolo Pascual
12. Derek Ramsay
11. Enrique Gil
10. Kean Cipriano
9. Enchong Dee
8. Aljur Abrenica
7. Jericho Rosales
6. Brian Termulo
5. Mart Escudero
4. Paolo Contis
3. Dingdong Dantes
2. Neil Coleta
1. Jake Cuenca
KAHIRAPAN
Nagtitinda, natutulog sa tabi-tabi, nakatira sa may ilog, sira-sirang bahay ang karaniwang makikita natin na nagbibigay mukha sa kahirapan basta’t mabuhay lamang. Ito ang mapait na realidad na nararanasan sa ilan ng mga mamamayang Pilipino. Dahil sa tindi ng kahirapan, napipilitang gawin ang lahat upang bumangon sa mapait na estado ng buhay.
Maraming Pilipino ang naapektuhan nito. Kanya-kanyang mga diskarte upang may makakain at maitustos sa pang-araw-araw na pangangailangan. Gaya na lamang ng pagmamaneho ng dyip, pedikab, pangangalesa, pagtitinda at marami pang iba.
Para sa kanila, ang sentimo ay napakahalaga na dahil ito ay makakatulong na sa simpleng pamamaraan.
Mariing maitatanong natin sa ating mga sarili na may masisisi ba tayo sa pangyayaring ito. Sino naman ang dapat nating sisishin? Ano nga ba ang puno’t dulo ng kahirapan? Anu- ano nga ba ang dapat natin gawin upang ito ay matuldukan?
Iilan naman ang nagsasabi na para sa kanila ay wala tayong masisisi nito dahil tayo ang gumawa sa buhay natin. Hindi rin ito hadlang upang matamo ang kasaganahan. Kundi diskarte, pag-asa at aksyon ang kinakailangan sa panahon ng unos sa buhay ng isang tao.
Pag-ibig na Walang Hanggan
“Narinig na ninyong sinabi, ‘Ibigin mo ang iyong kaibigan at kapootan mo ang inyong mga kaaway at idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo, upang kayo’y maging tunay na anak ng inyong Amang nasa langit. Sapagkat pinasikat niya ang araw sa masasama at sa mabubuti at pinapatak niya ang ulan sa mga banal at sa mga makasalanan.
“Huwag ninyong hatulan ang inyong kapwa. Kung ang mga umiibig sa inyo ang siya lamang ninyong iibigin, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? At kung ang binabati lamang ninyo’y ang inyong mga kapatid, anong nagawa ninyong higit pa sa iba? Kaya, dapat kayong maging ganap, gaya ng inyong Amang nasa langit.“
ANG PARAISO
Ang kalibutan kaniadto
Sama sa usa ka Paraiso
Puno sa paglaum ug kalipay
Diin kita managpuyo sa kaligdong ug kahapsay.
Mainom nga tubig gikan sa sapa
Tambok ug limpyo nga yuta
Abundang mga kahoy sa kabukiran
Nga igong katamnan sa atung umahan.
Apan naunsa na ang kalibutan karun?
Kinahanglan ka pa bang pasabton?
Basura dinhi, basura didto imung matan-aw
Ug ang Paraiso daw padulong na sa pagkapanaw.
Dili npa uwahi ant tanan
Aduna pa kitay mabuhat sa pag-usab sa atung kinaiyahan
Arun masalbar ang atung kalikupan
Sa kapait karon nga iyang nahiaguman.
Sa simpleng pag-recycle ug paglimita
Sa dili pagpataka og labay sa basura
Ato na makab-ot pagbalik ang kaniadto
Diin kitang tanan, gustong managpuyo sa maong Paraiso.
ISANG MENSAHE MULA SA LANGIT
Walong araw pagkatapos sabihin iot, umakyat si Jesus sa bundok upang manalangin. Isinama niya sina Pedro, Juan at Santiago. Samantalang sila’y naroon, nakita nilang nagbagong-anyo si Jesus : nagliwanag na parang busilak ang kanyang damit.
Nang lilimansila nang isang maningning na ulap at mula rito’y may tinig na nagsabi, ‘‘Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan. Pakinggan ninyo siya ! ‘’
Ang mga alagad ay natakot nang gayon na lamang nang marinig nila ang tinig at sila’y napasubasob. Ngunit nilapitan sila ni Jesus at hinipo. ‘’Tumindig kayo,’’ sabi niya, ‘’huwag kayong matakot’’.
Ang Pinakadakilang Utos ng Diyos
May eskribang lumapit kay Jesus upang siya’y subukin. ‘’Guro’’, aniya, ‘’ano ang dapat kong gawin upang magkamit ng buhay na wlanh hanggan ?’’ Sumagot si Jesus, ‘’Ano ang nakasulat sa Kautusan ? Ano ang nababasa mo roon ?’’ Tumugon siya, ‘’Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang boung kaluluwa, at nang buong pag-iisip at ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.’’ ‘’Tama ang sagot mo,’’ wika ni Jesus. ‘’Gawin mo iyan at mabubuhay ka. Wala ng ibang utos na hihigit pa sa mga ito.’’
Tuesday, January 10, 2012
DISCLAIMER
SOME OF THE ARTICLES THAT WERE PUBLISHED ARE NOT ORIGINALLY MADE BY MYSELF. THERE ARE SOME THAT I HAD COPIED AND PASTED FROM THE INTERNET AND SOME ARE MADE BY ME. THANK YOU!
DISCLAIMER
ALL THAT WERE PUBLISHED IS NOT ORIGINALLY MINE. THERE ARE SOME THAT WERE COPIED AND PASTED FROM THE INTERNET.
Subscribe to:
Posts (Atom)